Monday, March 22, 2010

First Time Mag-Check-in ni Motel Manila (the Virgin Entry kuno)

Ito ang first entry ni Motel Manila (that’s me), isang lalaking mahilig mag-motel sa Manila. Naisipan kong iset-up ang blog na ito nang minsang mabanggit sakin ng girlfriend ko na reregaluhan niya daw ako ng isang all-day session para sa birthday ko (na tinupad naman niya!). The sexperience was great!

Pero wala akong makwentuhan dahil ayokong pag isipan ng masama ng mga tao ang gf ko. Di ba nga imoral ang “biglang liko” para sa atin. Gusto ko mang ishare sa mga close friends ko, di yun makakabuti para samin. Taboo kumbaga sa society. So, naisip kong ilantad na lamang lahat sa blog.

Tingin ko maraming tao ang nasa kalagayan ko rin ngayon. Maraming tao ang nagmo motel sa manila. Gusto nila ng kwento at impormasyon – magkano rates, etc – pero dahil taboo, mistulang semilayang ipina-flush nlang sa inidoro ang mga kwento at katanungan nila. Sayang naman. Pwede yun kapulutan ng aral at aliw ng ibang tao!

Sana naman ay may patunguhan tong gagawin kong to. Gusto ko rin marinig ang kwento mo kung pareho tayo ng sitwasyon. Kung sa tingin mo ay may sense naman tong mga pinagsasasabi ko dito, magcomment ka. O kaya, iemail mo ko sa motelmanila@gmail.com o motel.manila@yahoo.com. (ginawa ko talaga yan dahil alam din ng gelpren ko password ng personal email ko haha). Ilalabas ko dito kwento mo para mabasa ng iba. At by the way at secret lang natin to. Ang magsumbong sa gelpren ko magkakapigsa sa puwet. haha

Yun lang. Salamat sa pagdaan, sana bumalik ka at mag check in ulit sa Motel Manila blog, kahit short time lang.

P.S.
Bawal mga malibog dito. Haha JOKE.

No comments:

Post a Comment